Add parallel Print Page Options

Ngunit nagtanong si Jehoshafat kung wala na bang ibang propeta si Yahweh na maaari nilang mapagtanungan.

Sumagot ang hari ng Israel, “Mayroon pang isa. Si Micaias na anak ni Imla. Kaya lang, galit ako sa taong iyon sapagkat wala na siyang mabuting propesiya tungkol sa akin, puro na lang masama.”

“Huwag kayong magsalita nang ganyan, mahal na hari,” sabi ni Jehoshafat.

Ipinatawag agad ng hari ng Israel ang isa sa mga opisyal niya upang ipasundo si Micaias.

Read full chapter