Add parallel Print Page Options

Ngayon nga'y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipagingat kayo at inyong gawin: sapagka't (A)walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o (B)tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol.

Bukod dito'y (C)naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan. At sila'y nagsibalik sa Jerusalem.

At kaniyang binilinan sila, na sinasabi, Ganito ang inyong gagawin, (D)sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso.

Read full chapter