2 Cronica 19:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Bukod dito'y (A)naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan. At sila'y nagsibalik sa Jerusalem.
9 At kaniyang binilinan sila, na sinasabi, Ganito ang inyong gagawin, (B)sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso.
10 (C)At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978