Add parallel Print Page Options

Ang Paghahanda sa Pagpapatayo ng Templo(A)

Nag-utos si Solomon na magpatayo ng templo, para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon, at ng palasyo para sa kanyang sarili. Nagpatawag siya ng 70,000 tagahakot, 80,000 tagatabas ng mga bato sa mababang bahagi ng bundok, at 3,600 kapatas.

Nagpadala si Solomon ng ganitong mensahe kay Haring Hiram[a] ng Tyre: “Padalhan mo ako ng mga kahoy na sedro gaya ng ipinadala mo sa aking amang si David nang nagpatayo siya ng palasyo niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:3 Hiram: o, Huram.