Add parallel Print Page Options

10 Babayaran ko ang iyong mga tagaputol ng kahoy ng 100,000 sako ng trigo, 100,000 sako ng sebada, 110,000 galon ng katas ng ubas at 110,000 galon ng langis ng olibo.”

11 Ito ang sulat na isinagot ni Haring Hiram ng Tyre kay Solomon:

“Dahil iniibig ng Panginoon ang kanyang mga bayan, ginawa ka niyang hari nila. 12 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel na gumawa ng langit at lupa! Binigyan niya si haring David ng matalinong anak na puno ng kaalaman at pang-unawa, na magtatayo ng templo para sa Panginoon at nang palasyo para sa kanyang sarili.

Read full chapter