2 Cronica 2:13-15
Ang Biblia (1978)
13 At ngayo'y nagsugo ako ng bihasang lalake na may kaalaman, kay Hiram na aking ama,
14 Na anak ng isang babae sa mga anak ni Dan; at ang kaniyang ama ay (A)taga Tiro na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, sa tanso, sa bakal, sa bato, at sa kahoy, sa kulay ube, sa bughaw, at sa mainam na kayong lino, at sa matingkad na pula; upang umukit din naman ng anomang paraan ng ukit, at magmunakala ng anoman; upang magkaroon ng isang takdang dako sa kaniya na kasama ng iyong mga bihasang lalake at ng mga bihasang lalake ng aking panginoong si David na iyong ama.
15 Ngayon nga'y ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak, na sinalita ng (B)aking panginoon, ipadala niya sa kaniyang mga bataan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978