Font Size
2 Cronica 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Maraming kahoy ang kailangan kong ihanda sapagkat malaki at kahanga-hanga ang templong aking ipatatayo. 10 Ako ang bahala sa pagkain ng inyong mga tauhang magpuputol ng kahoy. Bibigyan ko sila ng 20,000 malalaking sisidlan[a] na puno ng trigo, 20,000 malalaking sisidlan na puno ng sebada, 2,000 malalaking sisidlan na puno ng alak at 2,000 malalaking sisidlan na puno ng langis.”
11 Ganito naman ang sagot ni Haring Hiram: “Dahil sa pag-ibig ni Yahweh sa kanyang bayan, kayo ang ginawa niyang hari.
Read full chapterFootnotes
- 10 MALALAKING SISIDLAN: Ang mga sisidlang ito ay katumbas ng 220 litro.