2 Cronica 20:15-17
Ang Biblia (1978)
15 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; (A)sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.
16 Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila'y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel.
17 Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, (B)magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: (C)huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978