2 Cronica 21:11-13
Ang Biblia (1978)
Ang nakatatakot na sulat ni Elias.
11 Bukod dito'y kaniyang ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda, at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem, at iniligaw ang Juda.
12 At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga (A)lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga (B)lakad man ni Asa na hari sa Juda:
13 Kundi ikaw ay lumakad (C)ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, (D)gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang (E)iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978