Add parallel Print Page Options

Siya'y lumakad din naman ng ayon sa kanilang payo, at yumaon na kasama ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad: at sinugatan ng mga taga Siria si Joram.

At siya'y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama, ng siya'y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria. At si (A)Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y may sakit.

Si Ochozias ay pinatay ni Jehu.

Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios, sa kaniyang pagparoon kay Joram: sapagka't nang siya'y dumating, (B)siya'y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi, (C)na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab.

Read full chapter