2 Cronica 22:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At siya'y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama, ng siya'y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria. At si (A)Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y may sakit.
Si Ochozias ay pinatay ni Jehu.
7 Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios, sa kaniyang pagparoon kay Joram: sapagka't nang siya'y dumating, (B)siya'y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi, (C)na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab.
8 At nangyari, nang si Jehu ay (D)maglalapat ng kahatulan sa bahay ni Achab, na kaniyang nasumpungan ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga anak ng mga kapatid ni Ochozias, na nagsisipangasiwa kay Ochozias, at pinatay sila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978