2 Cronica 22:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At nangyari, nang si Jehu ay (A)maglalapat ng kahatulan sa bahay ni Achab, na kaniyang nasumpungan ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga anak ng mga kapatid ni Ochozias, na nagsisipangasiwa kay Ochozias, at pinatay sila.
9 (B)At kaniyang hinanap si Ochozias, at hinuli nila siya, (siya nga'y nagtatago sa Samaria,) at dinala nila siya kay Jehu, at pinatay siya; at (C)inilibing nila siya, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y anak ni Josaphat, na (D)humanap sa Panginoon ng buo niyang puso. At ang sangbahayan ni Ochozias ay walang kapangyarihang humawak ng kaharian.
Ang pagagaw ni Athalia sa kaharian.
10 (E)Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na binhing hari ng sambahayan ni Juda.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978