Font Size
2 Cronica 23:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 23:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Dinakip nila si Atalia at dinala sa palasyo sa may pintong daanan ng mga kabayo. Doon nila siya pinatay.
Ang mga Repormang Isinagawa ng Paring si Joiada(A)
16 Pagkatapos, nakipagkasunduan si Joiada sa mga tao at sa hari na sila'y magiging sambayanan ni Yahweh. 17 Nagkaisa ang lahat na wasakin ang Templo ni Baal kaya't dinurog nila ang mga altar at ang mga rebultong naroon. Pinatay nila sa harap ng mga altar si Matan, ang pari ni Baal.
Read full chapter