Add parallel Print Page Options

16 At nangyari, habang siya'y nakikipagusap sa kaniya, na sinabi ng hari sa kaniya, Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? umurong ka; bakit ka sasaktan? Nang magkagayo'y umurong ang propeta, at nagsabi, Talastas ko na (A)pinasiyahan ng Dios na patayin ka, sapagka't iyong ginawa ito, at hindi mo dininig ang aking payo.

Si Amasias ay tinalo ni Joas.

17 Nang magkagayo'y kumuhang payo si (B)Amasias na hari sa Juda, at nagsugo kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na nagsabi, Halika, tayo'y magtitigan.

18 At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang dawag na nasa Libano, ay nagsugo sa sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag.

Read full chapter