Add parallel Print Page Options

12 Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, ay dalawang libo at anim na raan.

13 At sa kapangyarihan ng kanilang kamay ay may isang maayos na hukbo, na (A)tatlong daan at pitong libo at limang daan, na nakikipagdigmang may malakas na kapangyarihan, upang tulungan ang hari laban sa kaaway.

14 At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga'y ang buong hukbo, ng mga kalasag, at mga sibat, at ng mga turbante, at ng mga (B)sapyaw, at ng mga busog, at ng mga bato na ukol sa panghilagpos.

Read full chapter