2 Cronica 26:14-16
Ang Biblia (1978)
14 At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga'y ang buong hukbo, ng mga kalasag, at mga sibat, at ng mga turbante, at ng mga (A)sapyaw, at ng mga busog, at ng mga bato na ukol sa panghilagpos.
15 At siya'y gumawa sa Jerusalem ng mga makina, na katha ng mga bihasang tao, upang malagay sa mga moog at sa kuta upang magpahilagpos ng mga pana at mga malaking bato. At ang kaniyang pangalan ay lumaganap na mainam: sapagka't siya'y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya'y lumakas.
Si Uzzias ay naging ketongin dahil sa pagsusunog ng kamangyan.
16 Nguni't (B)nang siya'y lumakas, ang (C)kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978