Add parallel Print Page Options

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.

(A)At siya'y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias, (B)na siyang maalam sa pangitain sa Dios: at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios.

At siya'y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo, at ibinagsak ang kuta ng (C)Gath, at ang kuta ng Jabnia, at ang kuta ng Asdod; at siya'y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng (D)Asdod, at sa gitna ng mga Filisteo.

Read full chapter