Add parallel Print Page Options

Bukod dito'y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan (A)na nasa panulok, at sa (B)pintuang-bayan sa libis, at sa pagliko ng kuta, at mga pinagtibay.

10 At siya'y nagtayo ng mga moog sa ilang, at humukay ng maraming balon, sapagka't siya'y nagkaroon ng maraming kawan; sa mababang lupa rin naman, at sa kapatagan; at siya'y may mangbubukid at manggagawa sa ubasan sa mga bundok at sa mga mabungang bukid; sapagka't siya'y may hilig sa bukiran.

11 Bukod dito'y si Uzzias ay may hukbo ng mga manglalaban, na nagsisilabas sa pakikipagdigma na (C)pulupulutong ayon sa bilang ng kanilang kabilangan na ginawa ni Jehiel na kalihim, at ni Maasias na pinuno, sa kapangyarihan ni Hananias, na isa sa mga punong kawal ng hari.

Read full chapter