Font Size
2 Cronica 27:4-6
Magandang Balita Biblia
2 Cronica 27:4-6
Magandang Balita Biblia
4 Nagtayo siya ng mga lunsod sa kaburulan ng Juda. Gumawa rin siya ng mga kuta at bantayan sa kakahuyan. 5 Nakipaglaban siya at nagtagumpay sa hari ng mga Ammonita. Nang taóng iyon ay nagbayad sa kanya ang mga Ammonita ng 3,500 kilong pilak, trigo na nakalagay sa 10,000 malalaking sisidlan[a] at sebada na nakalagay sa 10,000 malalaking sisidlan. Gayundin ang ibinayad sa kanya nang ikalawa at ikatlong taon. 6 Dahil sa kanyang pananatiling tapat sa Diyos niyang si Yahweh, lumaki ang kapangyarihan ni Jotam.
Read full chapterFootnotes
- 2 Cronica 27:5 MALALAKING SISIDLAN: Ang bawat isa sa mga sisidlang ito ay maaaring maglaman ng timbang na 220 litro.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.