2 Cronica 28:23-25
Ang Biblia (1978)
23 Sapagka't siya'y (A)naghain sa mga dios ng Damasco, na sumakit sa kaniya: at sinabi niya, Sapagka't tinulungan sila ng mga dios ng mga hari sa Siria, kaya't ako'y maghahain sa kanila, (B)upang tulungan nila ako. Nguni't sila ang naging kapahamakan niya at ng buong Israel.
24 At pinisan ni Achaz ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at (C)pinagputolputol ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at isinara ang mga pinto ng bahay ng Panginoon; (D)at siya'y gumawa sa kaniya ng mga dambana sa bawa't sulok ng Jerusalem.
25 At sa bawa't iba't ibang bayan ng Juda ay gumawa siya ng mga mataas na dako upang pagsunugan ng kamangyan sa mga ibang dios, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978