Add parallel Print Page Options

24 At pinisan ni Achaz ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at (A)pinagputolputol ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at isinara ang mga pinto ng bahay ng Panginoon; (B)at siya'y gumawa sa kaniya ng mga dambana sa bawa't sulok ng Jerusalem.

25 At sa bawa't iba't ibang bayan ng Juda ay gumawa siya ng mga mataas na dako upang pagsunugan ng kamangyan sa mga ibang dios, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.

26 (C)Ang iba nga sa kaniyang mga gawa, at ang lahat niyang mga lakad, na una at huli, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel.

Read full chapter