Font Size
2 Cronica 3:4-6
Magandang Balita Biblia
2 Cronica 3:4-6
Magandang Balita Biblia
4 Ang haba ng portiko sa dakong harap ng Templo ay siyam na metro—kapantay ng luwang ng Templo at limampu't apat na metro naman ang taas. Binalutan niya ng lantay na ginto ang loob nito.
5 Ang bulwagan ay pinatakpan ni Solomon ng mga tablang sipres. Pagkatapos, pinabalutan niya ito ng purong ginto at pinalagyan ng disenyo ng mga punong palma at kadena. 6 Pinalamutian pa niya ito ng magagandang batong hiyas at gintong galing sa Parvaim.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.