Font Size
2 Cronica 30:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 30:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paghahanda para sa Paskwa
30 Inanyayahan ni Ezequias ang buong Israel at Juda upang idaos sa Jerusalem ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Pinadalhan din niya ng sulat ang mga taga-Efraim at Manases. 2 Pinag-usapan(A) ng hari, ng mga pinuno at ng buong kapulungan na idaos ang Paskwa sa ikalawang buwan. 3 Hindi ito naidaos sa takdang panahon sapagkat maraming pari ang hindi pa nakakapaglinis ng sarili ayon sa Kautusan at kaunti lamang ang taong natipon noon sa Jerusalem.
Read full chapter