Font Size
2 Cronica 30:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 30:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagdiriwang ng Paskwa
13 Napakaraming pumunta sa Jerusalem noong ikalawang buwan upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. 14 Inalis nila ang mga altar sa Jerusalem na pinagsunugan ng mga handog at ng insenso at itinapon ang mga ito sa Libis ng Kidron. 15 Pinatay nila ang mga korderong pampaskwa noong ikalabing apat na araw ng ikalawang buwan. Napahiya ang mga pari at Levita kaya naglinis sila ng sarili at nagdala ng mga handog na susunugin sa Templo ni Yahweh.
Read full chapter