2 Cronica 31:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Itinakda naman niya ang bahagi ng hari sa kaniyang pagaari na ukol sa mga handog na susunugin, sa makatuwid baga'y sa mga handog na susunugin (A)sa umaga at sa hapon, at ang mga handog na susunugin sa mga (B)sabbath, at sa mga (C)bagong buwan, at sa mga (D)takdang kapistahan, na gaya ng nakasulat sa kautusan ng Panginoon.
4 Bukod dito'y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem, (E)na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita, (F)upang magsitalaga sa (G)kautusan ng Panginoon.
5 At paglabas ng utos, ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo, alak, at langis, at pulot, at sa lahat na bunga sa bukid; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978