Add parallel Print Page Options

20 Sa gayo'y (A)natulog si Manases na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa kaniyang sariling bahay: at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Ang paghahari ni Amon.

21 (B)Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem.

22 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama: at si Amon ay naghain sa lahat ng (C)larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at naglingkod sa mga yaon.

Read full chapter