Add parallel Print Page Options

Nagpagawa pa siya ng mga altar sa templo ng Panginoon sa Jerusalem, na ayon sa Panginoon ay ang lugar na kung saan pararangalan siya magpakailanman. Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit. Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak[a], sa Lambak ng Ben Hinom. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Napakasama ng ginawa niya at nakapagpagalit ito sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 33:6 Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak: o, Idinaan niya sa apoy ang kanyang mga anak.