Add parallel Print Page Options

12 At ginawa ng mga lalake na may pagtatapat ang gawain: at ang mga tagapamahala ng mga yaon ay si Jahath at si Abdias, na mga Levita, sa mga anak ni Merari; at si Zacharias at si Mesullam, sa mga anak ng mga Coathita, upang ipagpatuloy: at ang iba sa mga Levita, lahat na bihasa sa mga panugtog ng tugtugin.

13 Nasa mga (A)tagadala ng mga pasan naman sila, at pinamamahalaan ang lahat na nagsisigawa ng gawain sa sarisaring paglilingkod: at sa mga Levita ay may mga (B)kalihim, at mga (C)pinuno, at mga tagatanod-pinto.

Nasumpungan ni Hilsias ang aklat ng kautusan. Ang kautusan ay binasa. Ang pangako ng bayan na maglilingkod sa Panginoon.

14 At nang kanilang ilalabas ang salapi na napasok sa bahay ng Panginoon, nasumpungan ni Hilcias na saserdote ang aklat ng kautusan ng Panginoon na ibinigay sa (D)pamamagitan ni Moises.

Read full chapter