2 Cronica 34:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Kanyang ginawa ang matuwid sa paningin ng Panginoon, at lumakad sa mga landas ni David na kanyang ninuno, at hindi siya lumiko sa kanan o sa kaliwa.
3 Sapagkat sa ikawalong taon ng kanyang paghahari, samantalang siya'y bata pa, kanyang pinasimulang hanapin ang Diyos ni David na kanyang ninuno. At sa ikalabindalawang taon ay kanyang pinasimulang linisin ang Juda at Jerusalem sa matataas na dako, mga sagradong poste,[a] mga larawang inukit, at mga larawang hinulma.
Sinira ni Josias ang Pagsambang Pagano
4 At(A) kanilang winasak ang mga dambana ng mga Baal sa kanyang harapan; at kanyang ibinagsak ang mga dambana ng insenso na nasa ibabaw nila. Ang mga sagradong poste,[b] mga larawang inukit, at mga larawang hinulma ay kanyang pinagputul-putol, dinurog, at isinabog sa mga libingan ng naghandog sa kanila.
Read full chapterFootnotes
- 2 Cronica 34:3 Sa Hebreo ay Ashera .
- 2 Cronica 34:4 Sa Hebreo ay Ashera .