Font Size
2 Cronica 34:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 34:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pangako ni Josias at ng mga Mamamayan kay Yahweh
29 Dahil dito'y ipinatawag ng hari ang mga matatandang pinuno ng sambayanan sa Juda at Jerusalem. 30 Kaya't sama-sama silang pumunta sa Templo kasama ang mga pari, Levita at lahat ng mamamayan sa Juda at Jerusalem. Tumayo ang hari sa harap ng madla at binasa ang buong Aklat ng Tipan na natagpuan sa Templo. 31 Nakatayo noon ang hari malapit sa isang haligi ng Templo. Nanumpa siya kay Yahweh na susundin nila nang buong puso at kaluluwa ang Kautusan at ang mga itinatakda ng kasunduang nakasulat sa aklat na iyon.
Read full chapter