Add parallel Print Page Options

Sinunog(A) din niya ang mga buto ng mga pari sa kanilang mga dambana, at nilinis ang Juda at ang Jerusalem.

At sa mga bayan ng Manases, Efraim, at Simeon, hanggang sa Neftali, sa kanilang mga guho sa palibot,

ay kanyang winasak ang mga dambana at dinurog ang mga sagradong poste[a] at mga larawang inukit hanggang maging alabok, at pinagputul-putol ang lahat ng dambana ng insenso sa buong lupain ng Israel. Pagkatapos ay bumalik siya sa Jerusalem.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Cronica 34:7 Sa Hebreo ay Ashera .