Font Size
2 Cronica 36:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 36:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Ang iba pang mga pangyayari sa panahon ni Jehoiakim, pati ang mga kasamaang ginawa niya at ang iba pang kasalanan niya ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Israel at Juda. Pumalit sa kanya bilang hari ang anak niyang si Jehoiakin.
Si Haring Jehoiakin ng Juda(A)
9 Walong taóng gulang si Jehoiakin nang maging hari at tatlong buwan at sampung araw lamang siyang naghari sa Jerusalem. Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. 10 Sa(B) pagtatapos ng taon, ipinakuha siya ni Haring Nebucadnezar pati ang mahahalagang kagamitan sa Templo at dinala sa Babilonia. Ang ipinalit sa kanya bilang hari ay si Zedekias na kanyang tiyuhin.[a]
Read full chapterFootnotes
- 10 tiyuhin: Sa ibang manuskrito'y kapatid .