Add parallel Print Page Options

11 Nagpagawa rin siya ng mga palayok, mga pala, at mga mangkok na ginagamit sa pangwisik.

Natapos ni Huram ang lahat ng ipinagawa sa kanya ni Solomon para sa templo ng Dios. Ito ang kanyang mga ginawa:

12 ang dalawang haligi;

ang dalawang parang mangkok na ulo ng mga haligi;

ang dalawang magkadugtong na mga kadenang palamuti sa ulo ng mga haligi;

13 ang 400 palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata (nakakabit ang dalawang hilera nito sa bawat magkadugtong na mga kadenang nakapaikot sa ulo ng mga haligi);

Read full chapter