Font Size
2 Cronica 6:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 6:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Pagkatapos ay humarap ang hari at binasbasan ang buong sambayanang Israel. 4 Sinabi(A) niya: “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako kay David na aking ama. Sinabi niya noon: 5 ‘Mula nang ilabas ko sa Egipto ang aking bayan hanggang ngayon, hindi ako pumili ng alinmang lunsod sa mga lipi ng Israel upang ipagtayo ako roon ng isang Templo kung saan ako'y sasambahin. Hindi pa rin ako pumipili ng sinuman upang mamuno sa Israel.
Read full chapter