Add parallel Print Page Options

10 At ito ang mga pangulong pinuno ng haring Salomon, na (A)dalawang daan at limang pu na nagpupuno sa bayan.

11 At iniahon ni Salomon ang anak na babae ni Faraon mula sa bayan ni David hanggang sa bahay na kaniyang itinayo na ukol sa kaniya; sapagka't kaniyang sinabi, Hindi tatahan ang aking asawa sa bahay ni David na hari sa Israel, sapagka't ang mga dako ay banal na pinagpasukan sa kaban ng Panginoon.

Mga paghahandog ni Salomon.

12 Nang magkagayo'y naghandog si Salomon sa Panginoon ng mga handog na susunugin, sa dambana ng Panginoon, (B)na kaniyang itinayo sa harap ng portiko,

Read full chapter