Add parallel Print Page Options

26 Niloob ng Panginoon na mangyari ito dahil nakita niya ang paghihirap ng mga Israelita, alipin man o hindi, at walang sinumang makakatulong sa kanila. 27 Dahil sinabi ng Panginoon na hindi niya aalisin ang Israel sa mundo, kaya iniligtas niya ang mga Israelita sa pamamagitan ni Jeroboam II na anak ni Joash.

28 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jeroboam II, at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pagbawi niya sa Damascus at Hamat na sakop noon ng Juda,[a] ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:28 Juda: Ang ibig sabihin, ang buong bansa ng Israel noong hindi pa nahahati sa dalawang kaharian.