Add parallel Print Page Options

Sinabi ng opisyal na katiwala ng hari, “Kahit na magpaulan pa ang Panginoon hindi magiging ganoon kadami ang ani.” Sumagot si Eliseo, “Makikita mo na mangyayari iyon, pero hindi ka makakakain ng kahit ano.”

Huminto ang mga Arameo sa Paglusob

May apat na tao na may malubhang sakit sa balat[a] na nakaupo sa pintuan ng lungsod. Sinabi nila sa isaʼt isa, “Bakit kailangan nating umupo rito hanggang sa mamatay? Kung papasok tayo sa lungsod, mamamatay tayo sa gutom at kung mauupo lang tayo rito, mamamatay din tayo. Kaya pumunta na lang tayo sa kampo ng mga Arameo at sumuko. Nasa kanila na kung bubuhayin nila tayo o papatayin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:3 sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ang tawag sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat.