Add parallel Print Page Options

Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak (A)na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.

At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, (B)na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.

(C)At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.

Read full chapter