Add parallel Print Page Options

Ingatan ninyo ang inyong mga sarili, upang hindi masira ang aming pinagpaguran, kundi tumanggap kayo ng lubos na gantimpala. Ang sinumang lumalampas at hindi nananatili sa katuruan ni Cristo, wala sa kanya ang Diyos. Subalit ang sinumang nananatili sa katuruan, nasa kanya ang Ama at ang Anak. 10 Ang sinumang dumating sa inyo na hindi taglay ang katuruang ito ay huwag tanggapin sa inyong tahanan, at huwag din ninyo siyang batiin.

Read full chapter