2 Mga Hari 4:7-23
Ang Biblia (1978)
7 Nang magkagayo'y naparoon siya, at kaniyang isinaysay sa (A)lalake ng Dios. At kaniyang sinabi, ikaw ay yumaon, ipagbili mo ang langis, at bayaran mo ang iyong utang, at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi.
Si Eliseo at ang babaing Sunamita.
8 At nangyari, isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa (B)Sunem, na kinaroroonan ng isang (C)dakilang babae; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay. At nagkagayon, na sa tuwing siya'y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay.
9 At sinabi niya sa kaniyang asawa, Narito ngayon, aking nahahalata na ito'y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi.
10 Isinasamo ko sa iyo na tayo'y gumawa ng isang maliit na silid sa pader; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan, at ng isang dulang, at ng isang upuan, at ng isang kandelero: at mangyayari, pagka siya'y dumarating sa atin, na siya'y papasok doon.
11 At nangyari, isang araw, na siya'y dumating doon, at siya'y lumiko na pumasok sa silid, at nahiga roon.
12 At sinabi niya kay Giezi na kaniyang lingkod, Tawagin mo ang Sunamitang ito. At nang matawag niya, siya'y tumayo sa harap niya.
13 At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo ngayon sa kaniya, Narito, ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito; ano nga ang magagawa sa iyo? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari, o sa (D)punong kawal ng hukbo? At siya'y sumagot, Ako'y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan.
14 At kaniyang sinabi, Ano nga ang magagawa sa kaniya? At sumagot si Giezi. Katotohanang siya'y walang anak, at ang kaniyang asawa ay matanda na.
15 At kaniyang sinabi, Tawagin siya. At nang kaniyang tawagin siya, siya'y tumayo sa pintuan.
16 At kaniyang sinabi, (E)Sa (F)panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios (G)huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.
17 At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon, nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.
18 At nang lumaki ang bata ay nangyari, isang araw, nang siya'y umalis na patungo sa kaniyang ama, sa mga manggagapas.
19 At kaniyang sinabi sa kaniyang ama, (H)Ulo ko, ulo ko. At sinabi niya sa kaniyang bataan, Dalhin mo siya sa kaniyang ina.
20 At nang kaniyang makuha siya at dalhin siya sa kaniyang ina, siya'y umupo sa kaniyang tuhod hanggang sa katanghaliang tapat, at nang magkagayo'y namatay.
21 At siya'y pumanhik at inihiga siya (I)sa higaan ng lalake ng Dios, at pinagsarhan niya ng pintuan siya, at lumabas.
22 At kaniyang dinaingan ang kaniyang asawa, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong suguin sa akin ang isa sa iyong mga bataan, at ang isa sa mga asno, upang aking takbuhin ang lalake ng Dios, at bumalik uli.
23 At kaniyang sinabi, Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon? hindi (J)bagong buwan o sabbath man. At kaniyang sinabi, (K)Magiging mabuti.
Read full chapter
2 Mga Hari 4:27
Ang Biblia (1978)
27 At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios (A)sa burol, siya'y (B)humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin.
Read full chapter
2 Mga Hari 4:28
Ang Biblia (1978)
28 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako ba'y humiling ng isang anak sa aking panginoon? (A)di ba sinabi ko, Huwag mo akong dayain?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978