Add parallel Print Page Options

Sinabi niya sa kanyang mga tauhan na huwag matakot, sa halip ay alalahanin nila ang natamong tulong mula sa kalangitan noong mga nakaraang panahon ng kagipitan, at umasa silang kahit ngayon ay ipagkakaloob sa kanila ng Makapangyarihan sa lahat ang tagumpay. Pinasigla niya sila sa pamamagitan ng pagbabasa mula sa aklat ng Kautusan at ng mga Propeta, at ipinapaalala sa kanila ang natamo na nilang mga pagtatagumpay sa labanan. 10 Nang handa na sila, iniutos ni Judas ang dapat gawing pagtatanggol. Ipinaalala niya na hindi mapagkakatiwalaan ang mga Hentil sapagkat sumisira sila sa mga kasunduan.

Read full chapter