Add parallel Print Page Options

10 Marami siyang napatay at ni hindi niya ipinalibing; ngayong namatay siya ay hindi man lamang ipinagdalamhati ninuman. Hindi siya binigyan ng maayos na libing o kaya'y ipinalibing sa piling ng kanyang mga ninuno.

Nilusob ni Antioco ang Jerusalem(A)

11 Nang mabalitaan ito ng hari, akala niya'y naghihimagsik na ang mga taga-Judea. Kaya't mula sa Egipto'y nagsama siya ng hukbo, at parang mabangis na hayop na sinalakay niya ang Jerusalem. 12 Iniutos niya sa mga kawal na huwag maaawa sa mga mamamayan; lahat ng matagpuan sa lansangan o kaya'y nagtatago sa mga tahanan ay pagtatagain at patayin.

Read full chapter