Add parallel Print Page Options

Iniutos ding ang lahat ng ayaw makiisa sa pamumuhay Griego ay patayin. Maliwanag na marami pang kasamaan ang mangyayari. 10 Halimbawa,(A) dalawang ina ang minsa'y pinarusahan dahil tinuli nila ang kanilang bagong silang na mga anak. Ibinitin sa kanilang dibdib ang mga bata at ipinarada sila sa lunsod. Pagkatapos, iniakyat sila sa pinakamataas na tore at saka inihulog mula roon. 11 Minsan(B) naman, mayroong mga nagtago sa mga yungib para lamang makasamba sa Diyos sa Araw ng Pamamahinga. May nagsumbong kay Felipe tungkol dito, kaya't sila'y hinuli at sinunog. Sa laki ng paggalang nila sa Araw ng Pamamahinga, hindi na nila inisip na ipagtanggol ang sarili.

Read full chapter