Font Size
2 Macabeo 7:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Macabeo 7:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Ang ikaanim na kapatid ang siya namang iniharap sa mga berdugo, at gayon din ang ginawang pagpaparusa. Bago ito namatay, sinabi naman niya ang ganito: “Huwag na kayong mangarap nang walang kabuluhan. Sinapit namin ang ganito sapagkat nagkasala kami sa aming Diyos, kaya naman nangyayari ang mga paghihirap na ito. 19 Ngunit tandaan ninyong paparusahan kayo sa paglaban ninyo sa Diyos.”
20 Ang di malilimot at higit na kahanga-hanga ay ang ina. Nasaksihan nito ang sunud-sunod na pagpaparusang ginawa sa kanyang pitong anak hanggang sa ang mga ito'y mamatay sa loob lamang ng isang araw. Ngunit hindi nasira ang kanyang loob dahil nananalig siya sa Panginoon.
Read full chapter