Font Size
2 Macabeo 9:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Macabeo 9:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pinarusahan ng Panginoon si Antioco(A)
9 Nang panahong iyo'y nabigo rin si Antioco at umalis sa Persia. Ganito ang pangyayari: 2 pinasok ni Antioco ang lunsod ng Persepolis at tinangkang pagnakawan ang templo at sakupin ang lunsod, ngunit ang mga mamamaya'y kumilos agad. Nagtanggol silang mabuti at nagapi nila ang pumasok na kaaway. Walang nagawa si Antioco kundi tumakas dahil sa kahihiyan. 3 Dumating siya sa Ecbatana, at nabalitaan niya doon ang nangyari kay Nicanor at sa pangkat ni Timoteo.
Read full chapter