Font Size
2 Mga Hari 10:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 10:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Wala(A) ngang itinira si Jehu sa sambahayan ni Ahab. Pinatay niyang lahat ang tauhan nito at mga kaibigan, pati ang mga pari.
Pinatay ang mga Kamag-anak ni Haring Ahazias
12 Pagkatapos, pumunta si Jehu sa Samaria. Sa daan, sa may lugar na tinatawag na Silungan ng mga Pastol, ay 13 nakasalubong niya ang mga kamag-anak ni Haring Ahazias ng Juda. Sila'y tinanong niya, “Sino kayo?”
“Mga kamag-anak po ni Haring Ahazias. Naparito kami upang dalawin ang mga anak ng hari at ng reyna,” sagot nila.
Read full chapter