2 Mga Hari 10:13-15
Ang Biblia (1978)
13 (A)Ay nasalubong ni Jehu ang mga kapatid ni Ochozias na hari sa Juda, at sinabi, Sino kayo? At sila'y nagsisagot, Kami ay mga kapatid ni Ochozias: at kami ay nagsilusong upang magsibati sa mga anak ng hari at mga anak ng reina.
14 At kaniyang sinabi, Hulihin ninyo silang buháy. At hinuli nila silang buháy, at pinatay sa hukay ng pagupitang-bahay, sa makatuwid baga'y apat na pu't dalawang lalake; hindi nagiwan ng sinoman sa kanila.
15 At nang siya'y makayaon mula roon, kaniyang nasumpungan si (B)Jonadab na anak ni (C)Rechab na sumasalubong sa kaniya: at kaniyang binati siya, at nagsabi sa kaniya, Ang iyo bang puso ay tapat, na gaya ng aking puso sa iyong puso? At sumagot si Jonadab, Tapat. Kung gayon, iabot mo sa akin ang iyong kamay. At iniabot niya sa kaniya ang kaniyang kamay; at isinampa niya siya sa loob ng karo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978