2 Mga Hari 10:14-16
Ang Biblia (1978)
14 At kaniyang sinabi, Hulihin ninyo silang buháy. At hinuli nila silang buháy, at pinatay sa hukay ng pagupitang-bahay, sa makatuwid baga'y apat na pu't dalawang lalake; hindi nagiwan ng sinoman sa kanila.
15 At nang siya'y makayaon mula roon, kaniyang nasumpungan si (A)Jonadab na anak ni (B)Rechab na sumasalubong sa kaniya: at kaniyang binati siya, at nagsabi sa kaniya, Ang iyo bang puso ay tapat, na gaya ng aking puso sa iyong puso? At sumagot si Jonadab, Tapat. Kung gayon, iabot mo sa akin ang iyong kamay. At iniabot niya sa kaniya ang kaniyang kamay; at isinampa niya siya sa loob ng karo.
16 At kaniyang sinabi, Sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking sikap sa Panginoon. Sa gayo'y kanilang pinasakay sila sa kaniyang karo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978