Font Size
2 Mga Hari 11:19-21
Ang Biblia, 2001
2 Mga Hari 11:19-21
Ang Biblia, 2001
19 Kanyang isinama ang mga punong-kawal, ang mga Cariteo, ang mga bantay, at ang buong mamamayan ng lupain. Kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon, at nagsidaan sa pintuang-bayan ng mga bantay patungo sa bahay ng hari. At siya'y naupo sa trono ng mga hari.
20 Kaya't ang lahat ng mamamayan ng lupain ay nagsaya. Ang lunsod ay tumahimik pagkatapos na si Atalia ay mapatay ng tabak sa bahay ng hari.
21 [a] Si Jehoas ay pitong taon nang siya'y nagsimulang maghari.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 11:21 Sa Hebreo ay 12:1 .