Add parallel Print Page Options

18 At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang (A)lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat, at ni Joram, at ni Ochozias, na kaniyang mga magulang, na mga hari sa Juda, at ang (B)kaniyang mga itinalagang bagay, at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria: (C)at siya'y umalis sa Jerusalem.

Si Joas ay pinatay.

19 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

20 (D)At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon, at nagsipagbanta, at sinaktan si Joas sa (E)bahay sa Millo, sa daan na palusong sa Silla.

Read full chapter